Monday, January 07, 2013

What Kind of Fool: Si Regine, ang Aking Kabataan, at ang OPM.

(Sorry kung may mali sa sequencing pero sinulat ko 'to sa pagkakaalala ko)

Waaah Regine kasabay ng pagtagal mo sa industriya ay ang paglaki ko. Kainis wala na nga ako sa kalendaryo. Sabagay nasa lotto 6/42 pa naman. Bilis ng panahon!

Bata pa ako nun, napansin ko lang simula nung una kitang napanood sa TV noong sinapawan mo si Virna Lisa (late 80s) ganyan ka na kumanta, hanggang ngayon ganyan pa rin!. Uhmazing!

Sila pa ang sikat na female singers noon:
Pops (LOL) , Joey Albert, Verni Varga, Zsa Zsa, Kuh.

Paguest guest ka lang sa Penthouse Live na pinagpupuyatan ng mga ate ko at ineEnglish English ka lang ni Pops (LOL ulit). Sya ang Concert (?) Queen noon e. Bata pa lang ako nun kaya ang akala ko noon e since sikat si Pops, magaling talaga siya kumanta.

Ayaw ko sayo nun kahit magaling ka kasi hindi ka maganda (sorry ateh, wala yung style mo nun e). Si Lilet maganda, si Jamie Rivera maganda, Si Toni Daya maganda na, sexy pa, matangkad pa. Ikaw mapayat, LOL. Epic ang shoulder pads mo nun. Kahit nung nanalo ka sa Asia Pacific Singing Contest nakashoulder pads ka pa rin LOL. Maigsi ang buhok mo na lagi naka-Gel pero fresh kang tingnan. Naghit naman ang Promdi at Urong Sulong. Nakapagextra ka pa sa Pik-Pak-Boom at Elvis and James! Gustong-gusto ka ng kaibigan kong si Eric. Gusto naman ni Jai si Cyndi Lauper. Ako hindi ko alam. Hirap na hirap kasi kami noon. Walang nasa paligid ko kundi problema sa pera, chismis tungkol samin, and yung maagang pagkamatay ng tatay ko. Pero cool lang ako nakikinig din sa kanta mo, pero nung una ayaw kong aminin na gusto kita bilang singer.


(Ang shoulder pads aminin! Pati mga ate ko wagas sa paggamit nyan LOL)

Lumabas ang Nineteen 90 at doon mo ipinakita kung ano ang meron ka. Namangha silang lahat sayo. Naiyak ka pa nga nung nnagtayuan sila habang pumapalakpak. Dun ka na nagkaroon ng sariling identity bilang isang belter. Pero ang gusto ko ay yung lambing ng boses mo pag wala pa sa suicide part ng song. Noon din ako naging believer mo. Kasi ang fan, kahit saan pupunta makita ka lang. Ako hindi gala, hindi fanatic o makikipagaway para sayo pero naniniwala ako sa talent mo.

Dun ka na nagsimulang gayahin ng mga babaeng singer na sumasali sa Bagong Kampeon. Pinahirap mo ang version ng Sana'y Maulit Muli pati Kastilyong Buhangin at Pasko na Sinta Ko. Pati sa Ugoy ng Duyan hindi mo pinatawad LOL. Sumikat ka na rin sa sarili mong pagsisikap. Naging Lux Girl ka pa nga. May commercial pa nga kayo. White ang kay Pops (naligwak na ang naunang White Lux girl na si Kuh), Peach ang kay Ate Shawie, at Green ang sayo. Si Krissie sosyal talaga may sariling Pink Lux commercial. Alam mo yan!


(in fairness walang shoulder pads LOL)

From Vicor lumipat ka ng Polyeast kung saan ka naexpose sa Asian Market. Nagduet kayo ni Jackie Cheung at kahit saan kayo magduet ng live hindi ka nagpapakabog LOL. Sumikat ka sa Asia, naging cover ka pa nga ng isang magazine sa Singapore. Nung mga time na yun e humihina na ang career ng mga sikat noon. Nagkapamilya si Joey Albert, Naging busy si Zsa Zsa kay Dolphy (SLN), nagsawa rin ang nga tao sa kagagaya ni Verni Varga sa animal sounds, at narealize din ng mga tao na sintunado si Pops (naalala ko tuloy yung ex ko na Pres. ng Fans Club ni Pops, nagalit nung pinagtawanan ko siya nung pumiyok sa concert na pinapanood namin at pinalayas ako sa bday party niya). Doon ko rin narealize na sa mga kantang pambabae sa videoke, yung kanta lang niya ang abot ko. Ang baba di ba?


(Naloka sila hindi ganyan kumanta ang mga babae sa Hong Kong!)

Bumongga ka talaga, pero kasabay nun ang mga chismis. Kayo raw ni Janno. Siyempre nagalit daw si Bing na parang tiger. LOL. Pinakamabigat yung kay Sana Kahit Minsan. LOL (Memorable yan kasi nung nanood yung ate ko ng 1st major concert niyan e indi na umuwi nagtanan na pala WTF). Kumbaga sa Face to Face ikaw ang inirereklamo ni Ateng Gelli at talo ka sa BotoHans. Pero di nagtagal natauhan ka rin kaya nga sabi mo sa kanya You Made Me Stronger di ba?

Habang pakak ang career mo syempre marami nagtangka na agawin ang trono mo sa pagkanta. Si Dessa (sabi mo nga mataas nga ang boses niya hindi naman siya maganda), Si Ella Mae Saison, Si Roselle Nava (WTF obsessed ata to sayo nun e, every 4:30 kanta mo ang tinitira). OK naman kasi kaya mo naman silang lahat, pero dumating ang dalawa sa pinakaserious threat sayo (no hindi si Manilyn Nooooooo!). Sila ay sina Jaya at si Neytiri este Lani Misalucha LOL. Inilabas mo ang Retro Album noong sumisikat na sina Jaya at Lani. Naalala ko paulit ulit yung casette tape mo nun samin. May nagtanong sakin kung meron kami pahiram daw. Sabi ko wala (pero sa totoo alam kong hindi nagsosoli ng gamit yon hehehe). Kung bumenta ang Retro ay bumenta rin ang albums nila.


(Sorry ang gwapo talaga ni Remus Choy, pero love din kita ate Reg LOL)

Nung mga panahon ding yun e ayaw na ayaw ko na ginagaya mo si Mariah. Kasi magkaiba kayo ng istilo. Pero gusto ko ang improvement sa videos mo at ang pagsisimula ng pagpapasexy mo which is right for your age, harangan ka man ng sibat ni Tatang. Nagblossom ang beauty mo at hindi ka na daw nagbabra sabi ng nanay ko.

Una sa pandinig nga mga Pinoy ang boses ni Jaya at sure enough kung bongga ang sales mo, bongga rin ang sales niya. Pag tabo ang concert mo, tabo rin yung kanya. Pero ang maganda sayo kaibigan mo siya at friendly competition lang naman yun. Di nagtagal nagkasama na kayo sa SOP. Di nagtagal naubos din ang mga kulot sa boses niya at nagsawa na rin ang mga tao pero ikaw nandiyan pa rin. hehehe.

Si Neytiri este Lani naman ay nanggaling sa Pandora (LOL) este galing sa isang musical family na puro pangkaskas ng yelo ang boses. Isa na naman siyang bagong boses na may angking galing, kahit nakatayo o nakahiga. Bumongga rin siya. Concert ka, concert din sya. SOP ka, SOP din siya. COmpilation ka, siya kahit kokonti ang hits, nagcompilation din puro revival nga lang LOL. Eto lang ang nakakairita sa kanya, sumusubok syang sapawan ka. Sabi ng ga balimbing na bayot na lumipat sa kanya noon, mas magaling daw siya kasi mas buo ang boses, kaya niya magoperatic, kumanta ng Nessum Doormate ba yon (LOL). Pero hindi ka naman nagpatalo, at napanood ko pa nung minsan na kumakanta kayo at nag-uumpisa na naman siya. May mataas na note ka na hindi niya naabot. After nun, napansin ko dumalang na ang pananapaw niya. Di nagtagal, narealize din ng mga tao na yung boses niya ay special, pero hindi consistent. Kung gano kagaling, pag pumiyok magaling din LOL. Samantalang ikaw, paos na paos ka dati nun, sa Mel and Jay, pero nakakanta ka pa ng How Could You Leave ng walang problema. Di nagtagal, bumalik din siya sa Pandora (LOL) este nagpunta siya sa Las Begas para daw kumanta sa isang 2nd rate Hotel. Nadaya daw pala sa pyramid scheme. Yung kuya ko rin e. hehehe, Yung mga "maka-Lani" noon na ni-yuck yuck ka dati (pati yung crush kong gwapo at matalino na tiniis ko ang panlalait niya sayo kahit masakit matikman lang siya LOL), ano kaya ang sinasabi ngayon? Maka-Sara G kaya sila ngayon o Angeline Quinto? or may mga nalungkot ng sobra na naging fans na lang ni Champagne Morales????!!!! Dinalaw kaya nila si Lani sa Tenk Yu Begas? Nanood din kaya si Lani ng Miss Universe nung December at nanlumo nung natalo si Janine at isa sa sumigaw ng "Luto!"? Hmmmmm...bago na ang kanyang hitsura, indi na sya, Avatar na.LOL.Pati si Vice natameme sa show niya sa laki ng pagbabago.

Dumating at nawala ang maraming singers. Ikaw ay patuloy pa rin sa paglalabas ng magagandang awitin, na tinatangkilik pa rin ng mga Pinoy. Lahat na halos ng kanta pinahirap mo. Mga guwapong aktor ginawang partner sa pelikula, nilips-to lips mo pa. Hanep ka talaga Chona! Ikaw na! Pati 'Til I Met You and Hinahanap-hanap Kita ng RiverMaya. Kaya Ngayon sa public videoke pag may lalaking nagselect ng HInahanap-Hanap Kita icheck kung anogn version. Kung Regine Version CONFIIIIIRMED! Isa rin siya sa umuwing malungkot at malalim ang iniisip nung Dec 19, wondering bakit hindi umubra ang Cobra Walk at Magna Cum Laude Brains ni Janine Tugonon at ang nagwagi ay si Mrs. Santa Claus este Olivia Culpo pala.


Napatunayan mo na lahat sa recording, maging sa pelikula, telebisyon (nagka-award ka pa nga ng best single performance dun sa mentally retarded na role mo, sabi ng boss ko noon bagay saw sayo, pagtalikod niya sabi ko "Pak Yu!, pero pabulong lang hehehe), nagkastage musical ka na rin (Kenkoy at Rosing), pati nga animation e (ikaw ang nagbigay buhay sa boses ni Prinsesa Urduja na ang alam ko lang nung elementary e parang babaeng Judge Dredd, hatol tapos execution agad LOL), nagproduce ng album ng ibang singer (sorry sablay si Gabby Eigenmann e, baka pang kontrabida lang talaga sya sa dramarama sa hapon LOL), kulang na lang sayo ang magkaroon ng sariling pamilya. Siguro sa sobrang saya mo dahil ang tagal mong hinintay na lumaya si Ogie Doggie e nag-red ka nung kasal nyo, gumastos ng milyon at naka-boots pa. hehehe. Nagka-baby rin kayo, tumaba ka, nagtry magpapayat. Pumayat naman ng konti hehehe, pero believer mo pa rin ako. Lahat na ng charity e binigyan mo ng libreng concert, marami ka na rin napag-aral. Lately, hinanap at tinulungan mo ang dati mong nemesis sa brgy amateur singing contests na si Eva Castillo. Ano pa nga ba ang hindi mo nagagawa????


(Galing mo dito kaya naman kablag yung ibang nominees)


Nung November, kahit paos ka, pinilit mong pasayain ang mga taong nagpunta sa anniv concert mo, at dahil dun ayon kay Vice, nadagdag sa record mo ang pinakamarami daw na piyok sa isang concert hehehe. Nalungkot ka dahil sa kauna-unahang pagkakataon ay binigo ka ng iyong pangunahing instrumento (bakit namasa ang mata ko? Naramdaman ko kasi yung lungkot mo nung hindi ka na makakanta at dinamayan ka na ni Mang Gerry. Pag ganyan talaga da best ang pamilya natin kahit sablay tayo minsan, sila may suporta, pero may kasamang konting batok para magtanda LOL). Nangako ka na magbabalik at iparirinig muli sa kanila ang mahika ng iyong tinig.


(Si Mang Gerry to the rescue)

January, concert mo pala nung Sabado, hindi ako nagpunta. Tulog na tulog ako sa pagod sa training sa opisina, pero aaminin ko na. HIndi ako nagpunta kasi ayoko sa sobrang daming tao at masikip, baka mahimatay ako sa sobrang sikip (Naalala ko kasi nun nag-debosyon kami sa isang malayong baryo ni Mother Earth. Di lang pala malayo, sa sobrang dami ng tao yung glass na lalagyang ng santong nagmimilagro "daw" e basang basa na sa mga nagcondense na hininga ng mga deboto, oo halo halo na to LOL and kung hindi siguro ako lumabas e hihimatayin nako). Nakakahiya naman na sa laki kong tao e mahimatay pako. Nakakahiyang marinig na "ang laki-laking lalaki e hinimatay lng dahil sa masikip, baka ......" kaya yun. Anyway habang sinusulat ko ito ay pinapanood ko na yung performance mo ng signature hit mong What Kind of Fool na originally ay nasa Listen Without Prejudice album. Kuhang kuha mo pa rin ang mga tirada ateh. Hanggang sa huling tili. Feeling ko sa huling tili mo e nabigyang buhay na naman ang mga vayot sa Pilipinas na in very good working condition ang iyong instrumento. Ako I never doubted you. Ako nga sipon lang paos na, e trinangkaso ka e. Malamang noh mahiirapan ka talaga kumanta. Alam kong paggaling mo, titili ka na naman habang naka-magandang gown na pina-fantasize suotin ng mga fans mong kaboses ni Janno pero ikaw ang ineemulate. LOL.


(Ang diet ate. Francis Libiran yan. LOL)

Ewan ko ba bigla na lang akong inatake sa pagsusulat nito. Natuwa lang ako na nakabalik ng ang boses mo at napanganga mo na naman sila at sa kakahintay sa nga mga suicide part ng songs e hindi sila makapagCR hehehe. Ako ay komportableng nanonood ng performances mo nung sabado thanks to one vayot who cares (lagot copyright infrigement LOL).

Ang mga Virgo daw ay perfectionist, matagal bago magkagusto sa isang tao o bagay at hindi basta-basta sumusuko. I guess Virgo talaga ako kasi definite ang mga gusto ko.

Movie: Runaway Bride
Actor (Male or Female) International: Taylor Lautner (char!) seriously Cate Blanchett
Actor (Male or Female) Local: Daniel Padilla (charmose!) hinde! Marami siyang persona sakin e, si Bona, si Banaue, si Andrea, si Pacita M, si Adora, si Flor, si Corazon, si Annie Batungbakal at siyempre wala pang hindi nakakakilala sa pngalang Magnolia Dela Cruz at ang tanging hindi pa nakakakilala, ay aso lamang! (magkakaron din ako ng message para sa kanya pero ngayon ikaw ang diva)
TV Show: Face to Face hehehe totoo!
Beauty Queen: Maria Venus Raj, 22, Philippines!
Singer (Male or Female) International Mariah Carey
Singer(Male or Female) Local - Kulang pa ang Asia's Songbird na titulo sayo. Sabagay hindi mo na kailangan yun, kasi you're beyond any title.



(Eto ang pinaka-gusto kong album mo) Kung Kailan Pa, Reason Enough, Babalikang Muli



(Eto ang movie mo na paulit ulit kong pinanood. Incidentally may nakita akong nanaka-carve sa isang public bench na "Malungkot ang Buhay Ko." Dinedma ko nman. Bakit kaya?)




(Grabe ka pinaiyak mo si Richard)


Isipin na lang natin ang future. Kahit hindi mo na maabot ang mga kanta mo pagtanda mo, kahit mapalitan ka na ng mga mas bata at mas sikat at mas magaling kumanta (hmmm not sure kung meron pang darating), ikaw pa rin ang tanging songbird ng buhay ko.

Congratulations Regine!!

4 comments:

Anonymous said...

Well, well, well... What can I say?! Nahiya ako sa sarili ko... Hindi ba dapat ako ang sumulat nito? Hahaha!

Anonymous said...

Sarap basahin,,,,

Anonymous said...

Awww...Ang Songbird ng buhay ko...I can honestly say rin na ilang diva man dumating iisa lang ang Songbird ng buhay ko

Anonymous said...

thanks for sharing! anhg sarap basahin hehehe :) ang sarap ta;agang maging regine fan :)