Nais ko lang i-share ang aking sariling pananaw:
Wala na tayong magagawa pageant ni Trump yan, kaya siya pa rin ang masusunod. Hindi yan dahil sa mas maganda ang mukha ni Olivia, o hindi siya pageant patty na tulad daw ni Janine o dahil sa kailangan ng pampasaya ng mga Amerikano after ng Connecticut shooting incident. I'm sure hindi naman sya bulag para indi mapansin ang performance ni Janine. Sa huli siya pa rin ang nagdecide at ang nakakaalam ng reason kung bakit mas pinili niya si Olivia.
(Hindi na kami nagsasalita ng mga kaibigan ko noong final 2 na)
Ako nakamove-on na. Yung mga friends ko ganon din. Nakasave sa laptop ko ang MU 2012 at pag gusto ko mainspire, pinapanood ko siya. Mas malala yung kaibigan kong si Eric ini-store sa android phone niya. Masarap lang na sariwain at paulit-ulit panoorin ang performance ni Janine. Wala kang maisusumbat sa kanya dahil ang galing-galing niya. Kung maglakad siya daig pa ang 6'0". Kung iwasiwas niya yung laylayan ng gown niya, mararamdaman mo na para sa kanya ay suot niya ang pinakamagarang gown ng gabing iyon at nung sumagot siya sa final question, bumubula ang bibig niya (in gay beaucon terms, magaling siya sumagot ).
(Eto pala ang cobra walk with matching cobra head)
Naalala ko pa ang usapan namin nung friend ko after prelims., Tinanong niya kung sino daw ang mahigpit na makakalaban ni Janine sa finals sa palagay ko. Sabi ko "Sarili lang niya ang kalaban niya, yung nerves nya." Nagbanggit siya ng magagaling na Latina na "threat" daw. Ang sabi ko lang sa kanya "Maghintay ka, kasi yang kayumangging Pilipina na yan, pakakainin ng alikabok ang mga Latina." At nung finals, nagkatotoo siya. Hindi man siya nanalo, alam mong ginawa niya ang lahat sa abot ng kanyang makakaya. Tinodo na niya ang powers niya ika nga. Kung hindi pa rin siya ang nanalo, si Trump na ang may desisyon nito.
(Parehong maganda ngunit magkaiba ng paraan para kumuha ng atensiyon. Ayon daw kay Irene Esser e si Janine daw ang gusto niyang manalo dahil sya daw ang may pinakamagandang sagot, syempre naisip niya yan after niyang sapian nung sumagot siya sa question niya LOL)
OO iba-iba ng method ang bawat tao para makamove-on pero later on darating din ang lahat diyan. Feeling ko mas panatag ang loob ni Janine kasi sa aking paniniwala e mas mabuti na natalo ka pero karamihan ng nasa paligid mo ang sinasabi ay ikaw dapat ang nanalo, kesa nanalo ka nga, pero halos lahat ng nasa paligid mo, hindi naman kumbinsido, di ba Ms. Culpo?
(hulaan kung sino lang ang hindi pumalakpak sa sagot ni Janine?)
P.s. May bagong texting game kami ng friends ko. MU 2012 contestants. Padamihan ng kilalang MU 2012 delegate, at walang ulitan ng name. for example magtetetxt ako ng Egni Eckert, 25, Parawaaaaay, tapos sasagot namanj yung isa ng Daniella Alvarez, Colombia... 24! tapos yung isa naman sasagot ng Jessica Mouton, Bolivia. Pagtagal, pahirapan na. Dito mo na ilalabas yung name ng mga delegate na hindi masyado napapansin. Akala ko panalo nako sa Vasiliki Tsogaraki, Greece. LOL. Sumagot yung friend ko Shiela Mulelekwa, Botswana! LOL Tapos ang laro dahil wala nako maisip.
Kinablag ako ni Jai dito. LOL
At eto naman ang priceless na reaction ni Miss Gabon.
(Nagmamaktol yata dahil,naligwak sa Top 16.)
At eto naman daw ang reaction nina Elizabetha, Karina at Melinda nung tinawag si Aling Gabriela:
Sabi nga ni Janine, dapat Chill, Chill lang tayo at maging masaya.
Wednesday, January 09, 2013
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
4 comments:
hahahaha. teh, ikaw pala yan. naloka ako. hahahah. ikaw kaya ang nanalo sa miss u game natin. wala na kaya ako masagot sa yo. naalala ko lang lang si botswana kasi kaloka ang kurtina gown nya. hahaha. si ericka ayaw na sumali kasi matatalo daw sya. anyway, goodluck na lang sa atin next year. sana kabogera ulit ang rep natin para fiesta na naman tayo. ilalagay ko rin sa cp yung MU2012. hehehe nakadownload na ako ng magandang copy!!!
Bakit yung comment ko hindi lumalabas?! NKKLK!
ayan na yung comment mo milagros.
I don't even understand what you've written but those memes are hilarious!
Post a Comment