Monday, August 15, 2005

YISS! I'M IN LOVE! TODO NA 'TO (Part 3)

Ang Mahiwagang Pajama (hehehe)

Pasencia na paiba-iba ako ng language na ginagamit sa blog na ito. I must really be bilingual hehehe. Anyway, sa nakarang kabanata ay nagkasundo kami ni Darwin na manood ng sine. Of course excited ang inyong lingkod. Attracted naman ako kay Darwin kahit sa unang tingin ay mahangin ang dating niya.

Dumating ang Thursday, araw ng panonood ng sine. Syempre pagoda ever na naman ako from work kaya rest muna ako ng isang oras. Nananaginip pa ako nang maalala ko na may lakad nga pala ako. Oh my gulay! I'm running late. Wala akong na-prepare na susuotin. I just grabbed a white, slightly bodyfit white shirt and my ever reliable white Giordano drawstring pants. Reliable kasi kapag sinusuot ko ito, ewan ko pero parang I'm attractive hehe. Kung ang regal babies, may magic kamison, ako may magic pajama hehehe. Nakaslippers lang ako. Actually I'm very underdressed for that date pero what the heck! I'll wear what I want to wear. Besides, gusto ko komportable. Kung ayaw niya, basta manonood ako ng sine.

Nagmamadali pa naman ako pero nauna pa pala ako. May meeting pala siya. Paalis na sana siya sa office pero biglang tinawag for an impromptu meeting. Sige hintay lang ako sa Powerbooks megamall. Tingin tingin lang ng books and boys (hehehe) and mga girls na plunging ang neckline ng blouse (bwahahaha). Sa wakas dumating din siya. Ok naman we ate first sa Luk Yuen. Syempre I ordered my favorite chinese dish, steamed chicken with black mushrooms. Ok talaga ang usapan namin ni Darwin. I thought dutch treat pero he treated me out. Well, ok gentleman naman sya. Pansin ko na nakatingin siya sa aking mahiwagang pajama. Well, well well hehehe gumagana ang powers niya. Pero deadma lang ako kunwari.

"I thought so, well don't keep your hopes up. He maybe like everyone else you've me'"sabi ko sa sarili ko.

We watched THE ISLAND. kahit gaano kaganda si Ate Scarlett Johansson na parang nakakamukha ko na siya (hehehe), mabagal ang pacing ng movie. What;s worse is, parang walang ginagawang move si Darwin para hawakan ang kamay ko or akbayan ako.

"OMG friendship lang ata gusto niya. Kapag in 30 mins hindi niya hinawakan ang kamay ko, ibig sabihin we're meant to be friends lang'" Bulong ko sa sarili ko.

Pero syempre alam niyo naman ang inyong lingkod, walang kadala-dala at walang sawa sa paghihintay. Siguro mga after an hour na kakapanood ng boring na movie at kakaisip kung kailan hahawakan ni Darwin ang kamay ko, napahikab ako sa antok. Napansin yun ni Darwin.

Darwin: Inaantok ka na?

Kiddo: Hindi , ok lang ako (sabay smile)

Unexpected talaga na he touched my chin and kinuha niya ang kamay ko para hawakan.

"Thank you,Lord. Yiss todo na 'to!"nasambit ko na lang sa isip ko.

We held hands for a long time. He motioned me to lean on him. Sympre lean over ako. hay salamat akala ko bokya ang aking effects at sweetness.

Syempre after the movie super uwi na kami kasi late na ito. Hinawakan niya ang kamay ko habang naglalakad sa parking lot ng megamall (A walk to remember itu hehe!). Isinakay niya ako sa bus bago siya umuwi.

Pagoda ever ako pero syempre I'm happy and relieved because of three things:

1. Hindi pala torpe si Darwin
2. Enjoy pala to the max ang date na puro sweetness ever lang and ..dyan dyararaaan
3. Hindi niya kinaya ang kapangyarihan ng aking mahiwagang pajama hehehehe.

(susunod.... Ang aming pag-uusap sa YM , correction hindi po cybersex itu)

2 comments:

Anonymous said...

Good blog, keep up the great work.
I have a credit equity home line loan need other site/blog. It pretty much covers credit equity home line loan need other related stuff.
Check out mine sometime if you have a chance!

Anonymous said...

http://www.mfg.com/usa/tramadolonline/#20564 tramadol hcl opiate - tramadol for dogs safe