Sunday, July 17, 2005

HINDI LANG PALA BASAHAN ANG NILALAMPASO

Friday, July 15, Pride Power GEB and Party sa Club Government, Makati Ave.

Special ang party na ito hindi dahil sa Pride Power (paki ko dun) kundi dahil ito na ang time para makita ko uli si Mark. Siguro naman naalala ninyo si Mark and the Ally McBeal quote.

Prologue:

Well alam kong hang-out ni Mark my love ang Club Government kaya dun ko siya siguradong makikita. The last time kasi hindi natuloy ang pagkikita namin dahil sa kagagahan ko. Nagtampo tuloy. Pero this time, babawi ako and I'll make him love me. Baka sakaling this time maging akin na siya. (Bwahahaha)

CHAPTER 1
Preparations Galore

Nag-effort ang inyong lingkod para magpaganda. Syempre maraming kalaban dun. Dapat prepared. Ika nga ni Pat Benatar "Love is a battlefield". I must come in full gear. After nun, kinuha ko pa ang isang tobelada kong laundry sa aking favorite neightborhood laundryshop with the masungit girl na hindi pantay ang boobs. Nakakalaglag ng matres ang bigat ng laundry. Kahit si Darna lalawit ang dila (puro pantalon kasi).

Pagdating ko sa kanto namin hindi ko na talaga kinaya. Mabuti na lang dumating si Robert (my next door neighbor na lagi na lang akong tinutulungan sa mga panahon na hindi umeepekto ang mahiwagang bato).Binuhat niya yung pinakamabigat ng plastic (3 plastic bags kasi yun) at inihatid ako sa bahay.

Kiddo: Thank you. Mabuti na lang nandun ka. Nakakatuwa naman (sabay smile).

Robert: Ok lang. Sige alis na ako may lakad pa kasi ako. Sabay talikod. In fairness mukhang naligo siya ngayon. walang oilyness. Hehehe.

I prepared everything, clothes, shoes, wallet, accessories, hay ang buhay ng isang GRO , hehehe. Very inspired na ako, kasi makikita ko na si Mark my love, haaayyy his chinito eyes, red lips and that darn sexy smile na makakilig-tinggil (teka wala ata ako nun, anyway kunwari meron).

Syempre habang nakahiga ako at nagpapahinga, nagtetext ako kina Khalel and Jed para i-confirm ang time and place kung san kami magkikita.

10 PM nasa Greenbelt na ako, nagkataong may bandang nagpeperform yung isang banda. Dahil wala pa sila (lagi naman akong nauuna), makinig na rin ako. In fairness, hindi nakakatuwa yung banda.

Yung girl na vocalist, parang kambing na kinakatay ang boses. Anyway tiis tiis na lang, super yosi ang inyong lingkod, hanggang mamaya duamting rin ang mga badette.

CHAPTER 2
Ang Guwapong Waiter sa Oody's
Kumain muna kami sa Oody's. Kahit hindi ako gutom sige kumain na rin kami. Ang guwapo ng waiter. Maputi at nakakaintriga ang kilay, parang inahit. Syempre close-inspection namin sya. Hindi inahit ang kilay. natural ito.Jerry daw ang pangalan niya. Sympre pa-charming ang tatlong badette. Sympre hindi pwedeng hindi ako hihirit.

Kiddo: Hi Jerry, ang pogi mo naman, nakakatuwa, ang cute ng kilay mo.

Jerry: Thank you sir (sabay alis)

After the meal syempre kuwentuhan and sharing ng experience sa kinain. Actually salo-salo kami sa pagkain. Ganun kaming tatlo, walang arte at nagbibigayan.At last bill out na rin. Pagkaabot namin ng bill humirit na naman ako:

Kiddo: Jerry pa-picture naman kami (sabay abot ng cellphone).

Walang nagawa si pogi kundi kunan ang evil stepsisters. Hirit uli.

Kiddo: Jerry, picture naman tayo.Hihihihihi

Mukhang hindi ata pwede kasi nagpaalam na si Jerry after mag-thank you. Sarap lang mang-trip hehehe. Anyway umalis na rin kami kasi kailangan na kaming tumuloy sa aming destination: Government Bar.Mark, here I come.

CHAPTER 3
Ang Club Government

Malapit pala ang Club Government sa Aberdeen Court. Kita agad ito dahil sa rainbow drapes sa labas nito at sa mga badette na nak-skintight tops and pants na nakapila sa labas.Register na kami, bayad and pasok agad. May free drinks, kaya lang hindi ata kinaya nina Khalel and Jed ang Screwdriver. Ang ending, ang inyong lingkod na laklak queen (may story ako para dyan hehehe) ang umubos ng 3 baso ng screwdriver.Sa periphery lang kami ng dance floor kasi hindi pa namn feel na magsayaw. Maya-maya, may gay impersonator ni Britney Spears na nagsayaw ng "Outrageous". Hindi ako natuwa, kasi hindi niya kamukha ang goddess ko.Kamukha niya si Ellen Lising (yung may-ari ng facial clinic). Tapos may raffle raffle pa na ang prize ay iPod and micro-mini program hosted by this badette na may necklace na parang sa Buddhist monks pero fuchsia ang kulay. Malamang pag nakita ito ni Dalai Lama mapapatumbling siya sa pagkabigla.
Super text ako ka Mark.

Kiddo: Hey, I'm in Government right now. Where are you?

Mark: Yup. Wer u?

Kinilig ang lola at luminga-linga, pero wala si Mark. Later, Mark, later makikita rin kita.
Tumingin ako sa kaliwa at nakita ko ang love of my life na si Mark. OMG! OMG! (Sandara ikaw ba yan?). Nakasandal siya malapit sa stairs. Huminga muna ako ng malalim bago lumapit sa kanya.

Kiddo: Hey! Kumusta? Sabay hawak sa kamay niya in a fake macho handshake.
Mark: Hey kiddo. Kumusta? Got someone with you?

Kiddo: Aaa I'm with my friends, sabay turo kina Khalel and Jed.

Mark: Ahh ok. Hey I'd like you to meet Chris.

Kiddo: Ha?

CHAPTER 4
Ang Legal Wife

Biglang may gumalaw sa likod ni Mark at humawak sa balikat niya. Ano ito? its a bird, its a plane.....

Oh no it's a faggot!
Siya pala yung Chris. Nakatingin siya sa akin. Hindi ngumingiti ang bakla.

Mark: Chris this is Kiddo.

Obviously, may hiitsura siya. Matangkad si Chris, maputi, naka-ayos to the hilt ang buhok and naka-leather jacket. In fairness, makinis ang mukha ni misis. Nagmukhang Nora Aunor vs. Hilda Koronel ang labanan. Shet mas pretty sya!! In short, kabog hanggang Aparri ang morena beauty ko. Nilampaso niya ako.The worst part is, obvious na mahal nila ang isa't isa.
Napatango lang ako sabay ngiti ng konti. Ngumiti na rin ng konti si Chris at tumango. Humigpit ang hawak niya sa balikat ng mahal ko.Hindi na rin nagtagal at I managed to walk away and go to Khalel and Jed.

Khalel: Sino yun?Kiddo: Yun si Mark my love.Hindi ko na naintindihan ang sinabi ni Jed. Isang parte ng excitement ko ang namatay.

Everything that happened after that is a blur. I just enjoyed the party and acted happy for my friends, but I never danced with anyone else. Umakyat kasi sa second floor nag club at nung sumilip ako para tingnan ang mga sumasayaw sa baba, nakita ko sila, in full view, dancing very close to each other.Hindi sila sumasayaw, halos magkadikit na ang katawan nila. Napapatingin si Mark sa taas at alam ko nakita nita ako nakatingin sa baba. Talunan talaga ang beauty ng inyong lingkod.

My friends tried to console me.

Khalel: Mare mas maganda ka dun.

Jed: Oo nga.

Nagjoke joke nga ang dalawa, sumisigaw ng Mark, and itinuro ako. Napatingin si Mark. Napahiya naman ako. Maya-maya nawala na sila ni Chris. Tinangay na ni Valentina si Efren.
Nagyaya na rin ako na lumabas na kami. Pagod na ang katawan, isip at puso ko.

EPILOGUE:

So much for true love. Gotta face reality. Hindi lahat ng gusto natin ay natutupad, at hindi lahat ng taong mahal natin ay mamahalin rin tayo.Alam ko hindi ako pang-sex lang. May karapatan din ako sa pag-ibig at may magmamahal rin sa akin ng totoo. Hindi ako susuko. Alam ko nandiyan lang siya, naghihintay ng pagkakataon. Sabi nga ni Khalel:
"Hayaan mo, inihahanda pa siya ni God para sa iyo."

I won't give up on love.

No comments: