Hay nakakabato naman dito. Iba talaga ang 1 - 9 PM shift. Kokonti na nga kayo wala pang ginagawa. Tapos mamayang malapit nang umuwi saka dadagsa ang mga calls. Dusa talaga!!!
Anyway, eto write na lang ako ng blog. Sencia na medyo delayed ang pag-update ko dito. Ikaw ba naman ang magtrabaho ng 10 hrs a day 6 days a week, siguradong itutulog mo na lang ang rest day mo. Ever since ma-demote sa trabaho eto pwede raw mabawasan at maging 5 days kaya lang babawasan ang sweldo ko. Naaaahh!! Hindi pwede. Tama na ang drama. Masakit ang ma-demote pero mas masakit ang mabawasan ang sweldo.
Haaaaay teary-eyed na naman ako. Sa akin kasi mawala na ang lovelife at gimik, wag lang ang career. Feeling ko nga I'm an exiled queen without a castle of her own. Pero naisip ko, tama na ang kakaisip. Nakakapagod sa braincells, wala naman mangyayari. Bibigat lang ang dibdib mo. Ang mahalaga, may trabaho pa ako. Hanggang kaya, kahit gumagapang kakayanin, di ba? Siguro guiding principle ko na lang yung words sa kanta ni Mariah na "Can't Take That Away" sa mga nangyayari sa akin sa job ko:
They can say anything they want to say
Trying to bring me down, BUT I WON'T FACE THE GROUND
I will rise steadily out of reach
hmmmm.... (sorry nakalimutan, tao lang)
Although they do try hard to make me feel
That I don't matter at all
But I refuse to fall
(hmmmmm...)
There's a light in me that shines brightly
They can try but they can't take that away from me.....
I know they're tough but I'm made of stronger stuff.
Feeling ko for the first time may sense ang blog ko. What do you think?
No comments:
Post a Comment