Approximately, ito yung conversation namin ng friends ko last Saturday. Ewan ko mahirap kasi mag-remember ng mga pinag-usapan. Naluto na yata ng yosi at alak ang utak ko. hehehe
Bungad ko sa mga friends kong sina Khalel and Jed last Saturday night sa Malate:
Kiddo: May sasabihin ako sa inyo.
Khalel and Jed in unison: Ano?!....
Kiddo: Gusto ko nang makipaghiwalay kay ***
Jed: As usual, sinasabi ko na nga ba. Sa mukha mo pa lang, I can see it darling.
Khalel: Eh ano nga ba ang nangyari?
Kiddo: Marami siyang inconsistencies sa mga kwento niya. Aside from that ikinakahon niya ako.
Jed: Talaga, package na pala ang image mo ngayon, ikinakahon.
Khalel: Hahaha
Kiddo: Sobra naman 'to, anyway, eto kasi yun. Sabi ko gusto ko maggym. Ayaw niya. Ayaw nya ako ipakilala sa friends niya. E anong gagawin niya sa akin?
Jed (with concern pero nakataas ang kila): E masaya ka pa ba?
Kiddo: Hindi na
Khalel: Ayun naman pala, eh ano pang ginagawa mo. Sayang naman ang emotional investment mo.
Jed: OO nga. Kaya dapat kapag 1st month wala pang emotional involvement.
Khalel: Nasa iyo ang desisyon. Wala sa amin, basta ang mauna dapat yung happiness mo, hindi yung sa kanya.
Kiddo: Ok. Anyway tara na kain na tayo.
Khalel: Ay gusto ko dun sa couch.
Any person who might read this may think it is just a shallow chit chat among friends. With me, there's nothing shallow about it. BIG MISTAKE. My friends keep me grounded and sane. Sometimes their mere presence makes me feel that everything will be alright.
Thank God for them. I've thanked God countless times for my family but this time I am thanking HIM for giving me good friends. Despite my usual weaknesses (e.g. perpetual latecomer, stubborness, and a total slut), they are still there for me.
I'd like to quote the verbal exchange between Demi Moore and Cameron DIaz in Charlie's Angels II:
Cameron: I am not like you. I have something that you do not have.
Demi: What's that?
Cameron: Friends.
Enter sina Lucy and Drew
Hiyaahh!
COMING NEXT: VI - A VERY PROMISCUOUS LIFE
Monday, May 23, 2005
Friday, May 20, 2005
Karylle
Sa totoo lang hindi ko talaga sigurado kung magaling kumanta si Karylle. Ano sa tingin niyo?
Tuesday, May 17, 2005
DISASTER SA DIANA STALDER
Sa kakulitan ng housemate kong si Carlo, ayun member na rin ako ng lumalaking network ng Diana Stalder. In fairness, effective naman ang products kaya lang sa panahon ngayon, syempre mahirap magbenta. Mas uunahin mo pa ba na makinis ang mukha at katawan mo kaysa sa gutom na sikmura mo?
Pwede rin daw magrecruit para kumita. Si Carlo yung mga booking niya isinasali niya. Ako kaya? Paano ba ako makakapag-recruit? Hmm isip isip. Sayang din yung 3,500 ko.. Isali ko kaya mga suitors ko. Pwede rin. Mahirap lang magconvince. Tamad kasi ako sa ganun.
Mukhang disaster pag hindi ako kumilos. Basta. Bahala na.
Pwede rin daw magrecruit para kumita. Si Carlo yung mga booking niya isinasali niya. Ako kaya? Paano ba ako makakapag-recruit? Hmm isip isip. Sayang din yung 3,500 ko.. Isali ko kaya mga suitors ko. Pwede rin. Mahirap lang magconvince. Tamad kasi ako sa ganun.
Mukhang disaster pag hindi ako kumilos. Basta. Bahala na.
EFFECTIVE SIGNS
Sabi nga nila, advertising is everything kaya dapat daw maganda ang print ads mo. Well nakita ko na ang isa sa pinaka-effective signs sa isang tindahan. Effective sa mga buwisit sa negosyo. Sa bungad pa lang ng tindahan nakalagay: "BAWAL UMUTANG NGAYON. PWEDE NA BUKAS." Sympre kahit anong araw mo makita, forever kang maghihintay ng bukas. hehehe
Try ko kaya sa makulit kong suitor. Eto ang ilalagay ko sa shirt ko: "BAWAL TAYONG MAGSEX NGAYON, PWEDE NA BUKAS."
Sana effective.
Try ko kaya sa makulit kong suitor. Eto ang ilalagay ko sa shirt ko: "BAWAL TAYONG MAGSEX NGAYON, PWEDE NA BUKAS."
Sana effective.
Pagoda tragedy
Hay nakakapagod talaga. Buti pa yung makina ipinapahinga. 15 hrs ang trabaho ko ngayon. Wala kasing ka-relyebo. 9 pm pa ang dating nun. Kaya eto nagpapakabusy sa paggawa ng blog.
Sabi ko nga sa officemates ko, mabuti pa saksakin na lang ako sa dibdib kaysa unti -unting pagpatay na gaya nito. Uy nga pala I almost have 200 friends sa downelink ko. Sana dumagdag ka. Add mo ako
Sabi ko nga sa officemates ko, mabuti pa saksakin na lang ako sa dibdib kaysa unti -unting pagpatay na gaya nito. Uy nga pala I almost have 200 friends sa downelink ko. Sana dumagdag ka. Add mo ako